Ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan ay siyang ikalawang “pagpapakita” – ikalawang pagpapakilala sa kanyang pagkatao at sa kanyang misyon. Ipinahayag ng tinig ng Ama na si Hesus ay ang “Anak/Lingkod,” na pinuspos ng Espiritu ng Panginoon at isinugo upang “magtatag ng katarungan sa lupa.”
Itinatakda ng kanyang misyon ang pag-ako sa bigat ng pagkakasala ng sangkatauhan alinsunod sa hula sa mga Awit ng Lingkod.
Ipinagugunita sa atin ng pagbibinyag kay Hesus ang sarili nating bautismo nang bigkasin din ng Ama ang napakagandang pahayag: “Ikaw ang Aking mahal na anak!” Iyon ang walang kapantay na pribilehiyong nagpapahintulot sa ating magdiwang ng Eukaristiya. Ipahayag natin ang ating pasasalamat at pagmamahal.

Jesus baptism in the Jordan River is the second “epiphany,i.e., the second manifestation of hisidentity and mission. The Father’s voice revealed that Jesus is the “Son/Servant,” the man filled with the Spirit of the Lord, sent to “establish justice on the earth.”
His mission will also entail taking upon himself the weight of mankind’s sinfulness, as foretold in the last of the Servant’s Songs. Jesus’ baptism reminds us of our own baptism when the Father pronounced over us the most splendid sentence we will ever hear: “You are my beloved son/daughter!” it is this unparalleled dignity which entitles us to participate in this Eucharist. Let us do so with gratitude and love.
