February 16, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – 6th Sunday in Ordinary Time

February 16, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – 6th Sunday in Ordinary Time

Today’s Liturgy of the Word invites us to reflect on two fundamental choices: blessing or curse, life or death. We choose the best when we put our trust in the Lord and live according to this choice. Such is the message of the Beatitudes. The Lord should be our only Treasure, our Friend, our Guide, and our final Reward.

In this Eucharist, we will pray in a special manner for the grace to always stay close to the Lord Jesus and live by the light of his Beatitudes. We will also pray for those who are blinded by their passions and make choices that are destructive of their dignity and endanger their eternal salvation. May all of us see the light and live according to the teaching and example of Jesus.

Panawagan sa atin ngayon na magnilay sa dalawang mapagpipilian:pagpapala o panunumpa, buhay o kamatayan. Pinipili natin ang pinakamahusay kapag nananalig tayo sa Panginoon at nabubuhay alinsunod dito. Gayon ang mensahe ng “Mapapalad.” Ang Panginoong Hesus ay siya nating dapat na maging tanging Yaman, ating Kaibigan, atpangwakas nating Gantimpala.

Sa Eukaristiyang ito, ipagdasal natin sa isang natatanging paraan, na tayo’y maging malapit sa Panginoon at mabuhay sa tanglaw ng kanyang“Mapapalad.” Ipagdasal din natin ang mga nabubulagan dahil sa simbuyong damdamin at mga negatibong impluwensiya ng kultura ng kamatayansa ating paligid. Lahat nawa’y makakita sa liwanag at mamuhay alinsunod sa turo at halimbawa ni Hesus

 

February 9, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – 5th Sunday in Ordinary Time

February 9, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – 5th Sunday in Ordinary Time

Called to Be God’s Partners The God who created the universe single-handedly and holds it in His hand does not save it single-handedly. He seeks the collaboration of all. But there are those who are called by the same God to be special instruments of His love.

We call these people “prophets” and “apostles.” Their lives are a mixture of ordinary weakness and exceptional strength, of humiliating defeats and resounding victories. But in spite of such disconcerting contrasts, if they do their best, as Isaiah, Paul, and Peter did, “the world will be better for this,” and good will triumph over evil.

On this 5th Sunday in Ordinary Time, we witness a miraculous catch of fish which symbolizes the mission of Jesus and his associates to save mankind from the forces of evil, symbolized by the stormy seas.

In every generation and community of believers, Jesus, the Divine Fisherman, continues to invite people to share in his mission of saving mankind from the clutches of evil in all its forms. The response to Jesus’ invitation demands generosity and perseverance.

In this Eucharist, we will pray in a special manner that all those who are called to fulfi ll this task may respond generously and persevere faithfully till the end of their life

Ang Diyos na lumikha ng sansinukob nang nag-iisa ay hindi nagliligtas dito nang mag-isa. Hinahangad Niya ang pakikipagtulungan ng lahat. Ngunit higit sa pangkalahatang pagtutulungang ito, pinili din Niya, tinawag at isinugo ang ilang indibiduwal upang maging tagapagbalita ng Kanyang mga mensahe, at maging mga espesyal na instrumento ng Kanyang pag-ibig.

Tinatawag natin ang mga taong ito na “mga propeta” at “mga apostol.” Ang kanilang buhay ay pinaghalong pangkaraniwang kahinaan at pambihirang lakas, ng nakakahiyang pagkatalo at maugong na tagumpay. Ngunit sa kabila ng gayong pagkakaiba, kung gagawin nila ang kanilang makakaya, gaya ng ginawa nina Isaias, Pablo at Pedro, “magiging mas mabuti ang mundo para dito” at ang kabutihan ay magtatagumpay laban sa kasamaan.

Ngayong ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon, saksi tayo sa isang mahimalang huli ng isdang sumasagisag sa misyon ni Hesus na magligtas sa sangkatauhan sa kasamaan.

Sa bawat henerasyon at pamayanan ng mga mananampalataya, patuloy si Hesus, ang Dakilang Mamamalakaya, sa pag-aanyaya sa mga tao para makibahagi sa kanyang misyong pagliligtas sa mga tao sa lahat ng anyo ng kasamaan. Kailangan ang kabukasang-palad at pagsusumikap sa pagtugon sa paanyaya ni Hesus.

Sa Eukaristiyang ito, ipagdasal natin na lahat ng tinatawagang gumanap sa ganitong tungkulin ay bukas-palad at tapat na makatugon hanggang sa wakas ng panahon.

February 2, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – Presentation of the Lord

February 2, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – Presentation of the Lord

By a series of happy coincidences, today, the Fourth Sunday in Ordinary Time, is replaced by the Feast of the Presentation of the Baby Jesus in the Temple, which is also the “World Day for Consecrated Life.” We also keep the observance of “Pro-Life Sunday and the Day of Prayer & Awareness Against Human Trafficking.”

The Presentation of Jesus in the Temple invites us to focus on Jesus, the source of our life and the Light of all Nations. This feast reminds us of our own consecration to the Lord on the day of our baptism. Like Jesus, we too, are expected to live in an attitude of constant self-off ering in the service of the Kingdom. Like Jesus, we too are expected to appreciate life, do our best to promote it in all its potential, and protect it from whatever endangers or destroys it.

In this Eucharist, as we observe Pro-Life Sunday, let us renew our commitment to love life and make amends for all the profanations and attacks it constantly suffers. Let us pray for an end to human trafficking all over the world.

Ang Paghahandog kay Hesukristo para sa Paghahari ng Diyos

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo. Sa ika-apatnapung araw matapos ang Pasko ng Pagsilang ni Hesus ay ginugunita ang pangyayaring ito. Ayon sa Batas ni Moises, ang panganay na lalaki ay dapat dalhin sa Templo upang ialay sa Diyos. Naging kaugaliang magbasbas ng mga kandila upang ipahayag ang pananampalatayang si Kristo ang liwanag na tumatanglaw sa karimlan ng daigdig na ito.

Idinaraos din natin ngayon ang Araw ng mga Namamanata sa Diyos. Sila ang mga babae’t lalaking nagtalaga ng kanilang mga sarili sa Diyos sa pamamagitan ng mga panata ng kalinisan, karukhaan, at pagtalima. Tungkulin nilang magpatikim sa mga tao ng ligayang malalasap sa piling ng Diyos sa kabilang buhay. Ipanalangin nating magampanan nilang mabuti ang tungkuling ito. Ang pag-aalay sa Sanggol na si Hesus ay magpasidhi sana ng ating pagpapahalaga sa buhay ng tao.

January 26, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – 3rd Sunday in Ordinary Time

January 26, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – 3rd Sunday in Ordinary Time

Today is the Third Sunday in Ordinary Time, the longest period in the Liturgical Year. Last Sunday we admired the pre-adolescent Jesus as the youngest “teacher of Israel”, shining among the renowned teachers of the Law in the Temple.

Today, National Bible Sunday, we see him as the fulfillment of God’s promises as recorded in the Holy Scriptures. The content of God’s Word offers us guidance and encouragement today, no less than it did in the history of the people of Israel. Its vital message is ever relevant.

May it bear fruit in us as we, and more people, receive God’s Word in our hearts in the Holy Eucharist and allow it to transform our lives.

Pakikinig at Pagtupad sa Salita ng Diyos

Ngayon ay Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon. Noong isang Linggo, hinangaan natin ang labindalawang taong gulang na si Hesus bilang “pinakabatang guro ng Israel.” Ngayon nama’y makikita natin siya bilang katuparan ng mga pangako ng Diyos na nakatala sa Banal na Kasulatan. Dulot sa atin ngayon ng Salita ng Diyos ay pamamatnubay at pampalakas-loob na katulad ng isinasaad sa kasaysayan ng Israel.

Nawa’y magbunga sa ating lahat ang Salita ng Diyos at pahintulutan nating papagbaguhin tayo ng mga aral na hatid nito, ngayon PAMBANSANG LINGGO NG KASULATAN, at sa lahat ng araw ng ating buhay.

January 19, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – Feast of St Nino

January 19, 2025 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass – Feast of St Nino

Today we celebrate the Feast of the Sto. Niño, the yearly observance that is so dear to the hearts of all Filipino Catholics. This Feast not only brings us back to the beginning of the Christianization of our land but also enables us to see the relevance of this devotion to our lives today. In a special manner, it forces us to focus on our children and youth, with all the problems they may pose and the hopes they raise.

In the Eucharistic celebration that we are about to start, let us entrust our “children” to the protection and guidance of the Holy Child. He, who is so much a part of our history and our lives, will surely take care of our children and will teach us how to do likewise.

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Sto. Niño na totoong malapit sa puso ng maraming Katolikong Pilipino. Ang ganitong taunang pagdiriwang ay nagsimula noong bagu-bago pa lamang naging Kristiyano ang ating bansa, at patuloy pa ring may kahalagahan ito sa buhay natin ngayon. Sa isang natatanging paraan, pinagtutuunan natin ng pansin ang kabataan, ang kanilang mga problema, at ang kanilang puno ng pag-asang mga pangarap sa buhay.

Ang araw na ito, at lalung-lalo na ang pagdiriwang natin ng Eukaristiya, ay magandang pagkakataon para ipagtagubilin ang ating kabataan sa kalinga ng Sto. Niño. Palibhasa bahagi siya ng ating kasaysayan at buhay, tiyak na iingatan niya sila at tuturuan din niya tayo ng wastong paggabay sa kanila.